top of page

Target na gawing 100% ICT-aided ang mga classrooms sa Calikid Norte Elementary School, natupad na

Allan David P. Valdez (December 12, 2018)

      Naisakatuparan na ang pagkakaroon ng  100% I-C-T-aided classrooms sa Calikid Norte Elementary School o CaNor E.S. dahil sa handog ng pamilya Vergara na 13 instructional television sets.

      Makakabitan na ng 32-inch instructional television sets ang lahat ng mga silid-aralan sa CaNor E.S. na tutugon sa tinarget na priority improvement area ng paaralan.

       Sa 15 silid-aralan sa CaNor E.S. ay dalawa lamang rito ang aided ng instructional television.

      Sa panayam sa mga guro ng CaNor E.S., kitang-kita ang kanilang katuwaan  sapagkat malaking tulong aniya sa kanilang pagtuturo at pagkatuto ng mga bata ang handog ng pamilya Vergara na mga instructional T-V sets.

      Nagpapasalamat din ang punong-guro ng CaNoR E.S. na si G. Allan David Valdez sa biyaya ng pamilya Vergara sapagkata hindi na aniya kinailangan pang gumugol mula sa MOOE ng paaralan upang maisakatuparan ang isa sa mga target ng paaralan.

      Dagdag pa ni G. Valdez na sisiguruhin niyang magagamit nang tama at naayon sa K to 12 curriculum ang mga television sets.

Subscribe via Email

Enter your email address to subscribe to Calikid Norte Elementary School and receive notifications via email

cnes 2.png
bottom of page