top of page

Classrooms sa CaNor 100% ICT-aided na

Allan David P. Valdez (February 15,2019)

     Naisakatuparan na ang pagkakaroon ng  100% ICT-aided classrooms sa Calikid Norte Elementary School (CaNor ES) dahil sa handog ng pamilya Vergara na 13 instructional television sets.

         Nakabitan na ng 32-inch instructional television sets ang lahat ng mga silid-aralan sa CaNor ES na tumugon sa tinarget na priority improvement area ng paaralan.

     Sa 15 silid-aralan sa paaralan ay dalawa lamang rito ang dating aided ng instructional television.

         “Malaking tulong sa magaang pagtuturo at pagkatuto ng mga bata ang handog ng pamilya Vergara na mga instructional TV sets,” wika ni Gng. Corazon Balaquidan, Master Teacher ng CaNor ES.

        Nagpapasalamat din si G. Allan David Valdez, punong-guro ng CaNoR ES, sa biyaya ng pamilya Vergara sapagkata hindi na aniya kinailangan pang gumugol ng paaralan mula sa MOOE nito upang maisakatuparan ang isa sa mga target ng paaralan.

          Dagdag pa ni G. Valdez na sisiguruhin niyang magagamit nang tama at naayon sa K to 12 curriculum ang mga television sets.

          Sa pananalikisik ng DepEd Media Bureau, mula sa sariling bulsa ng pamilya Vergara nagmula ang ipinambili ng mga television sets.

Subscribe via Email

Enter your email address to subscribe to Calikid Norte Elementary School and receive notifications via email

cnes 2.png
bottom of page