top of page

Kauna-unahang automated SPG election, naisakatuparan

March 6, 2018

      Naisakatuparan sa Calikid Norte Elementary School ang kauna-unahang automated election dito para sa mga bagong opisyal ng Supreme Pupil Government o S-P-G.

​

      Naging posible ang automated na botohan sa pamamagitan ng iprinogramang voting sheet sa Microsoft Excel ng ICT Coordinator ng Calikid Norte Elementary School na si Gng. Charissa Rose Quirante.

​

     Sa naturang automated voting sheet, itinatype ng botante ang salitang VOTE sa tapat ng larawan ng ibinoto.

​

       Nakagabay ang guro sakaling hindi pa marunong ang estudyante sa pagtatype.

​

      Isinulong ang automated election sa Calikid Norte Elementary School dahil sa tagubilin ng punong-guro nito na si G. Allan David Valdez.

​

      Katulong ang mga guro at sa pamamatnubay ng S-P-G adviser na si Gng. Cindy Gonzales, napabilis kaysa sa dati ang naging botohan.

​

      Inirekomenda naman ni G. Valdez sa susunod na botohan na gawing de-click sa larawan ng iboboto ang gawin upang mas maging mabilis at madali pa ang botohan.

​

Subscribe via Email

Enter your email address to subscribe to Calikid Norte Elementary School and receive notifications via email

cnes 2.png
bottom of page