CALIKID NORTE ELEMENTARY SCHOOL
Moving Forward for Excellence
Pagpapaigting ng kultura at sining, pinas Sining ng katutubong sayaw, pinasisigla sa Calikid Norte Elementary School
Allan David P. Valdez (February 17,2019)
Pinasisigla ngayon sa Calikid Norte Elementary School ang sining ng katutubong sayaw alinsunod sa isa sa mga 10-point agenda ng Kalihim ng Edukasyon, Leonor Briones.
Ayon kay Kalihim Briones, target ng Kagawaran na buhayin at pasiglahin ang pagmamahal sa kultura at sining sa mga paaralan.
Kamakailan ay ibinida ng mga batang Calikid Norte o batang CaNor ang kanilang masining na pag-indak ng mga katutubong sayaw.
Nakipagpartner na rin ang Calikid Norte Elementary School sa Center for Community Transformation o C-C-T, isang non-government organization na tumutulong sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa sining at kultura, na nakabase mismo sa Brgy. Kalikid Norte.
Tinuturuan ng tagapagsanay mula sa C-C-T ang mga batang CaNor ng mga pangunahing steps ng iba’t-ibang katutubong sayaw.
Sinimulan noong Setyembre ang pagtuturo ng mga rural dances na susundan naman ng mga regional dances.
Ayon sa punong-guro ng CAlikid Norte Elementary School, palalawigin pa ang programa sa pamamagitan ng pagdaragdag pa ng mga pagsasanay sa mga mag-aaral hindi lamang sa pagsasayaw kundi maging sa paggamit ng kagamitang pangmusika at pagguhit.