top of page

Linis Ligpit Program ng Calikid Norte Elementary School, pinaigting ngayong Brigada Eskwela

Allan David P. Valdez (March 20, 2018)

     Puspusan ang ginagawang paglilinis ng paligid at pagliligpit ng mga kalat sa Calikid Norte Elementary School ngayong Brigada Eskwela bilang bahagi pa rin ng komprehensibong Linis Ligpit Program ng paaralan na inilunsad noon lamang Enero.

 

     Nagbabagong bihis ang mga silid-aralan at mas nagbabagong anyo ngayon ang paligid ng Calikid Norte Elementary School sa tulong-tulong na paggawa ng mga stakeholders ng paaralan.

 

     Ayon sa bagong punong-guro ng Calikid Norte Elementary School na si G. Allan David Valdez, lahat aniya ng mga hindi nalinis at naligpit noong mga nakaraang buwan noong inilunsad ang Linis Ligpit Program ay isasakatuparan ngayong Brigada Eskwela.

 

      May apat na seasons ang Linis Ligpit Program ng Calikid Norte Elementary School sa buong taon. Una ay sa buwan ng Enero, pangalawa ay sa buwan ng Mayo, pangatlo ay sa buwan ng Agosto, at pang-apat ay sa buwan ng Nobyembre.

Subscribe via Email

Enter your email address to subscribe to Calikid Norte Elementary School and receive notifications via email

cnes 2.png
bottom of page