top of page

Mga mag-aaral ng Calikid Norte Elementary School, nabiyayaan ng tsinelas mula sa Leticia Uy Foundation

Allan DAvid P. Valdez (March 13, 2018)

      Animnapung mga mag-aaral na may sira-sira nang sapin sa paa ang nabiyayaan ng bagong tsinelas mula sa Leticia Uy Foundation.

 

      Karamihan sa mga nabiyayaan ay mula sa primary grades.

 

      Nagpaumanhin naman ang mga kawani ng Leticia Uy Foundation sa kakaunting bilang ng tsinelas na naipamigay ngayong taon.

 

      Naghandog rin ng meryendang sopas ang Leticia Uy Foundation sa may 432 mga mag-aaral ng Calikid Norte Elementary School kasama na ang mga guro at mga magulang na nakasaksi sa palatuntunan.

 

      Naging posible ang gawain dahil sa Health and Nutrition Coordinator ng Calikid Norte Elementary School na si Gng. Juanita B. Santos.

Subscribe via Email

Enter your email address to subscribe to Calikid Norte Elementary School and receive notifications via email

cnes 2.png
bottom of page