top of page

Calikid Norte Elementary School, konektado na sa Internet

January 24, 2018

      May stable internet connection na ngayon ang Calikid Norte Elementary School.

      Ito ay naging posible dahil sa pagpaplano ng mga guro at dating O-I-C principal ng Calikid Norte Elementary School na si P-S-D-S Dr. Julie E. De Guzman.

      Nagawa kasi nilang maplano at maisama sa annual improvement plan ng paaralan ang pagpapakabit ng internet connection na isinakatuparan naman ng bagong punong-guro ng Calikid Elementary School na si G. Allan David Valdez.

      Bukod sa internet connection ay may permanente na ring contact number ang Calikid Norte Elementary School dahil sa kabundle na wireless land line.

      Malaking tulong naman ang internet connection sa mga guro sa pag-uupdate ng impormasyon ng mga bata sa L-I-S at pagdodownload ng mga teaching at learning materials sa L-R-M-D-S portal.

      Tulong rin ito sa pamunuan ng Calikid Norte Elementary School sa agarang pag-aksiyon sa mga online rush reports na hinihingi ng iba’t-ibang unit sa Division Office.

      Globe Telecom ang provider ng Calikid Norte Elementary School dahil ito lamang ang may stable at malakas na signal sa lugar.

Subscribe via Email

Enter your email address to subscribe to Calikid Norte Elementary School and receive notifications via email

cnes 2.png
bottom of page