CALIKID NORTE ELEMENTARY SCHOOL
Moving Forward for Excellence
Mga magulang sa CaNor Elem, abala sa pagpapaganda ng paaralan
Allan David P. Valdez (June 26, 2018)
Abalang-abala ngayon ang mga magulang sa Calikid Norte Elementary School o CaNor Elem sa pagpapaganda ng paaralan ng kanilang mga anak.
Ito ay bahagi ng pakikiisa nila sa layunin ng Linis-Ligpit Program o LiLiP na inilunsad sa CaNor Elem noong Enero.
Bahagi ng komprehensibong LiLip ang pagkilala sa Best BECI o Best Brigada Eskwela Classroom Implementer, kaya naman panay ang tulong ng mga magulang sa mga guro.
Pinuntirya ng mga magulang ang paggugulayan sa CaNor Elem at ang pagtatanim ng mga halamang ornamental sa harap ng mga silid-aralan.
Sa panayam, sinabi ng limang buwan nang nauupong punong-guro ng CaNor Elem na natutuwa siya sa kasigasigan ng mga magulang sa pagtulong sa pag-papaganda ng paaralan at nagtagubilin sa mga mag-aaral na siyang mag-alaga sa nasimulan ng mga magulang upang maging sila man ay matuto ng paghahalaman.
Sa Hulyo 30 ay pormal na ipasisilip sa mga stakeholders ng CaNor Elem ang “transformation” ng paaralan.