CALIKID NORTE ELEMENTARY SCHOOL
Moving Forward for Excellence
Pampangkaligtasan at pangkalusugang kaalaman, ibinahagi sa mga mag-aaral at magulang ng Calikid Norte Elementary School
Allan David P. Valdez (July 3, 2018)
Naturuan ng mga kaalamang pampangkaligtasan at pangkalusugan ang mga mag-aaral at mga magulang ng Calikid Norte Elementary School o CaNor Elem sa dalawang school symposia na ginanap sa paaralan kamakailan.
Proper handwashing ang pangunahing itinuro ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o C-D-R-R-M-O sa mga mag-aaral ng CaNor Elem samantalang kaalaman naman sa ligtas na tubig at tamang paghahanda ng pagkain ang ibinahagi sa mga magulang.
Sa tulong naman ng Bureau of Fire Prevention o B-F-P, natuto ang mga mag-aaral ng CaNor Elem ng tamang paggamit ng fire extinguisher at pag-apula sa mga pasimulang sunog. Maging ang mga magulang at utility workers ay tinuruan din.
Sa panayam, sinabi ng punong-guro ng Canor Elem na si G. Allan David Valdez na bahagi ng mga programa ng DepEd na Water, Sanitation and Hygiene in Schools o WinS at School Safety and Preparedness ang mga symposia na ginaganap sa paaralan.
Ayon naman sa Health Coordinator ng paaralan na si Gng. Juanita Santos at School D-R-R-M Coordinator Grace Campo, sinisikap ngayon ng paaralan na paigtingin ang health and safety services ng paaralan para sa mga mag-aaral.