CALIKID NORTE ELEMENTARY SCHOOL
Moving Forward for Excellence
Apat na silid-aralan, itinatayo sa Calikid Norte Elementary School; kakulangan sa silid-aralan, masosolusyunan na
Allan David P. Valdez (August 13, 2018)
Masosolusyunan na ang kakulangan ng silid-aralan sa Calikid Norte Elementary School sa susunod na taon dahil sa itinatayong apat na silid-aralan doon.
Dahil sa kakulangan ng silid-aralan ay napilitang ipaokopa na sa isang klase ang e-learning classroom ng paaralan.
Nagbunsod naman ito ng pagkapilay sa operasyon ng serbisyo ng e-learning classroom na ginagamit ng mahigit apat na raang mag-aaral doon.
Sinimulan noong huling linggo ng Hunyo ang konstruksiyon sa dalawang palapag na gusali at inaasahang matatapos ngayong taon.
Ayon sa punong-guro ng paaralan na si G. Allan David Valdez, nasa 30% construction finish na ang gusali at kung masusunod ang target ay maaring iokupa na ang gusali sa susunod na taong-panuruan.
Department of Public Works and Highways ang nanguna sa proyekto na pinondohan ng halos siyam na milyon.