CALIKID NORTE ELEMENTARY SCHOOL
Moving Forward for Excellence
Mga gawaing pampasilidad sa Calikid Norte Elementary School, kasado na
Allan David P. Valdez (December 17, 2018)
Kasado na ang plano ng mga pagawaing pampasilidad sa Calikid Norte Elementary School o CaNor Elem na tutustusan ng Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng paaralan.
Ito ay matapos makatalima ng CaNor ES sa early procurement na itinakda ng Department of Budget Management.
Gugugol ng halos isang daaan at siyam na libong piso and CaNor Elem sa mga pagawaing pampasilidad na bahagi pa rin ng komprehensibong Linis Ligpit Program ng paaralan na naglalayong isinop ang kaayusan at paunlarin ang pasilidad ng paaralan.
Partikular na ginastusan ang mga facilities para sa WinS o Water, Sanitation and Hygiene in Schools.
Gagawing sampong faucets na ang nag-iisang washing facility na may limang faucets upang makatalima sa standard na itinakda sa WinS.
Magtatayo rin ng isa pang washing facility na pasado sa standard ng WinS.
Ayon sa punong-guro ng CaNor Elem na si G. Allan David Valdez, ibinuhos ang malaking pondo sa WinS dahil seryoso ang paaralan na makakamit ng three stars sa WinS evaluation na nangangahulugang exemplary ang pagsasakatuparan ng WiNs sa paaralan.
Buko sa WinS, paiigtingin rin ang Gulayan sa Paaralan, kaya naman itinakda ang pag-iistila ng mga faucets sa labas ng bawat silid-aralan upang mas maging madali ang access sa tubig na pandilig.
Pinondohan rin ang pagkakaroon ng learning resource center sa ilalim ng Project ILMMAS o Instructional & Learner Materials Made Available in School ng CaNor Elem.
Katuwang ng CaNor Elem ang General Parent Teacher Association at School Governing Council nito sa pagkakasa ng mga pagawaing pampasilidad.